Thursday, June 19, 2008

Part time Homebased Call Center Agent

Friends, kailangan ko ng isang taong magtatawag to set appointments sa US. Bale outbound call center agent po for like 3 dollars per hour. Fluent in English, should have computer at home. Magcomment lang kayo dito if you are interested and I will give you the details.

No need to worry about being scammed dahil matagal ko ng employer to and you will be dealing with me.

Trip to Singapore

Nitong mga nakaraang araw, wala akong ginawa kungdi magsurf sa internet ng tungkol sa Singapore. Napakaimpulsive ko kasi at ako ay nakapagpabook ng ticket sa Tiger Airways nong March. Naisip ko kasi kaysa umuwi ng probinsya mag totour na lang ako at makapag apply narin tutal pareho lang ang pamasahe. Actually, matagal ko ng planong pumunta ng Singapore para doon sana mag apply ng trabaho at kahit stepping stone ko para makarating sa ibang bansa. Wala kasi akong nakikitang kinabukasan dito sa Pilipinas. Gumraduate ako nong 2003, imagine 5 years na ang nakalipas eh wala ako kahit isang kusing na ipon. Maganda rin naman pasahod ng mga napasukan ko pero sa dami ng gastusin ay wala talaga.

Ngayon, ang problema ko naman ay ang budget doon. Ang mahal pala ng cost of living don. To think na 2 weeks yung pinareserve kong ticket dahil may plano nga akong mag apply narin kahit nitong mga nakaraang araw, parang nawala na sa isip ko ang pag apply sa Singapore dahil nag ienjoy pa ako sa trabaho ko ngayon bilang VA. Nasa bahay lang ako so baka makaipon na ako kasi di na ako gagastos ng pamasahe at kung anu ano pang luho sa labas.

May nakausap na akong nagpaparent ng room na Pinay for S$35 a day, medyo mahal pa yun pero nahirapan na kasi akong makakita ng murang room dahil short stay lang naman ako. Ayaw ko rin nman doon sa mga hostels, parang di ko feel makihalubilo sa mga foreigners na kuripot. Kuripot ang tawag sa kanila dahil mayaman bansa sila galing pero gusto paring makamura samantalang kung Pilipino ang magrirent doon, wala talagang pera.

Alam ko madami Pilipino ang gusto pumunta ng SIngapore kaya ipopost ko dito lahat ng gastos ko para magkaidea kayong lahat.

Kumusta naman Ako

Lagi na lang akong gumagawa ng blog.. ningas kugon ika nga.. me time pa nagbayad ako ng hosting saka domain, di ko naman napanindigan. Dumarating lang talaga yung point na tinatamad ako lalo na at feeling ko nonsense naman pinagsasabi ko sa blog ko.. Kaya napagpasyahan kong gumawa ng blog na intended lang para may mabalikan ako in the future at matawa ako sa mga pinagagawa ko sa buhay ko. Wala lang napapagod na rin kasi akong mag English kaya ito siguro way ko para maexpress yung sarili ko. Call center ako nagtrabaho mula't sapul kaya nakakaumay na ang salitang banyaga lalo na't hindi naman nagiEnglish yung mga kasama ko sa bahay. Kahit andito ako sa Manila, waray at bisaya parin salita namin sa bahay kaya minsan mas marunong pa akong mag English kaysa Tagalog.

Nakarating na ako ng Taiwan at bilib ako masyado sa kanila.. ni hindi sila marunong mag English pero ang yaman nila samantalang ang mga Pilipino doon, domestic helper, English speaking. Pero wala rin tayong choice.. kahit ako pinipilit kong matutong mag English dahil ito pinagkakakitaan ko. Nakakabaliw talaga ang pagiging Pinoy pero I am still proud dahil napakaganda ng Pilipinas.

Anyway, ang purpose rin ng blog na ito ay para malaman ng mga frends ko yung mga pangyayari sakin. I am not fond of texting kasi, wala nga kong cellphone habang sinusulat ko ito dahil nagustuhan ng papa ko yung phone ko at hanggang ngayon hindi pa ako nakakabili ng bago.